Menyu

Sentro ng Tulong

Galugarin ang sentro ng tulong upang makapagsimula ka o matutunan kung paano lubos na mapakinabangan ang Territory Helper.

Paghahati ng Teritoryo

Minsan, kailangang hatiin o paghati-hatiin ang isang teritoryo sa dalawa o higit pang mga teritoryo upang mas makatwiran ang pagtatalaga para sa isang publisher na masakop ito nang lubusan.

Ang paghahati ng isang teritoryo ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng pag-edit sa umiiiral na balangkas ng teritoryo para maging ninanais na balangkas ng isa sa mga bagong teritoryo. Upang makita kung paano i-edit ang balangkas ng isang teritoryo, tingnan ang gabay na I-edit ang Balangkas ng Teritoryo.

Kapag na-edit na ang teritoryo sa nais na balangkas, lumikha ng bagong teritoryo upang punan ang natitirang lugar na sakop ng orihinal na teritoryo. Upang makita kung paano iguhit ang balangkas ng isang bagong teritoryo, tingnan ang gabay na Pagguhit ng mga Teritoryo.

Kapag nalikha na ang mga bagong teritoryo, bumalik sa pahina ng I-edit ang Detalye ng orihinal na teritoryo at ilipat ang anumang mga tala o lokasyon sa bagong teritoryo.

Madaling mailipat ang mga lokasyon sa ibang teritoryo sa pamamagitan ng pagpili ng nais na mga lokasyon at pag-click sa pindutang baguhin ang napili tulad ng ipinakita sa larawan sa ibaba.
Habang tinitingnan ang dialog ng modify selected, piliin lamang ang teritoryo na nais mong ilipat ang mga lokasyon at click ang pindutang save tulad ng ipinakita sa larawan sa ibaba.