Menyu

Sentro ng Tulong

Galugarin ang sentro ng tulong upang makapagsimula ka o matutunan kung paano lubos na mapakinabangan ang Territory Helper.

Pag-edit at Pag-customize

Ang bawat pangangailangan ng kongregasyon sa pamamahala ng kanilang mga asignatura sa teritoryo ay natatangi. May ilang kongregasyon na maaaring mabilis na masakop ang kanilang mga teritoryo at mas tutok sa kung gaano kahusay na nagtrabaho ang mga teritoryo. May ibang kongregasyon naman na maraming bilang ng mga teritoryo na nangangailangan ng mas maraming oras para mapagtrabahuan, maaaring mas interesado sila sa kung gaano katagal na hindi naatasan ang mga teritoryo.

Ang dashboard ay madaling ipasadya upang ipakita lamang ang mga listahan at tsart na nauugnay sa iyong kongregasyon.

Upang simulan ang pag-edit ng iyong dashboard, i-click lamang ang button na edit tulad ng ipinakita sa larawan sa ibaba.
Kapag nasa edit mode na, maaari mong ihila at ihulog ang mga listahan at tsart para iayos ang mga ito ayon sa iyong nais tulad ng ipinakita sa larawan sa ibaba.
Ang Default ay ang ipinapakita kapag kaagad na tiningnan ang dashboard.

Ang Hidden ay ang mga listahan at tsart na nakatago sa likod ng pindutan ng karagdagang istatistika tulad ng ipinakita sa larawan sa ibaba.
Ang Archive ay ang mga listahan at tsart na tuluyan ng inalis mula sa dashboard.

Dagdag pa rito, maaari mong baguhin ang bilang ng mga teritoryo o uri ng teritoryo na ipinapakita bilang default sa bawat listahan.

Maaari mong madaling ipakita ang lahat ng mga teritoryo sa isang listahan sa pamamagitan ng pag-click sa pindutan na tingnan lahat sa ilalim ng bawat listahan. Pinapayagan ka nitong mabilis at madaling makita ang mga asignatura sa teritoryo na maaaring mangailangan ng pansin sa unang tingin.

Ang pagtatakda ng bilang na ito sa 0 ay magpapakita ng lahat ng mga teritoryo o uri ng teritoryo.